Tuesday, February 05, 2008

ikaw kase eh

ginawa ko para sa nag iisang tao na nagpakain sa'kin ng lahat ng sinabi ko

hanga ako sa’yo

nagawa mong guluhin ang wisyo ko. sa panahong akala ko’y kumpleto na ako. sa panahong hindi ko kailangan ng istorbo. sa panahong mas nais kong mag-isa.

ngunit iba ka

kung paano ko pinilit na itakwil ka sa isip ko ay sya namang lalong pagsumiksik mo sa puso ko. ang puso kong matagal nang naging bato.

na nakapagtataka

pagkat wala ka namang ginawa upang ako’y mamangha. walang maliwanag na dahilan. tanging puso ang pinapakinggan.

marahil nga ako’y tanga

hindi ko inasahang mamahalin kita. naligaw na ako sa aking mga emosyon. at nalasing na lalo ng aking mga ilusyon.

ayokong mahalin ka

pero bingi na ang pagkatao. hinayaang mahulog ng labis sa’yo.
nagawa mong guluhin ang wisyo ko.

hanga ako sa’yo

~August 29, 2006~

No comments: