Tuesday, February 05, 2008

melancholy

kakaiba ang gabi na ito. tipid ang mga ngiti at bihira ang salita. tahimik ang mundo.

masyadong tahimik.

ayoko ng ganitong pakiramdam. nakakarindi ang katahimikan.

ngayong gabi, anumang pilit na balewalain ang kalungkutan, unti-unting kinakain nito ang kalooban. hinahabol na ako ng damdaming akala ko ay matagal ko nang naiwasan. at maraming sikretong matagal ko nang naitago ang nagbabantang lumabas.

nakakapagod din palang maging masaya. nakakasawa din maging matapang. dahil dumarating ang mga gabing tulad nito. isang gabing mas gusto mong mag-isa. isang gabing kailangan mong maging mahina.

gusto kong umiyak. ngunit ayaw tumulo ng mga luha.

No comments: