Friday, July 14, 2006

anibersaryo

mommy,


happy 25th silver anniversary. i love you very much.


daddy


tinext yan ng tatay ko sa nanay ko kanina.


eksaktong dalalampu't limang taon na mula sa araw na ito nang nag-pakasal sa huwes ang nanay at tatay ko.


secret marriage kumbaga. hindi pa buntis ang nanay ko noon, taliwas sa inaakala nyo. isang taon matapos ng kasal nila bago ako pinanganak. at ako ang panganay. medyo matagal-tagal ko na ring tinatanong kung bakit sila nagpakasal sa huwes bago muling nagpakasal sa simbahan pero wala pa rin akong makuhang matinong sagot.


kaya hinayaan ko na lang. para sa kanila na lamang ang alaalang yon.


saksi ako sa realidad na hindi madali ang buhay mag-asawa. at magtayo ng pamilya. hindi sila perpekto. wala naman atang perpektong relasyon. ngunit nalampasan nila lahat ng pagsubok. at nanatili silang matatag hanggang ngayon. kahit pagkatapos ng isang taong paghihiwalay.


maligayang anibersayo sa mommy at daddy ko! pagkatapos ng 25 taon, secret marriage, tatlong weirdo at makukulit na anak, mahigit sa isang taon ng paghihiwalay, at ilan pang taong paghihiwalay dahil sa trabaho, patuloy pa rin kayong nagmamahalan.

saludo ako. sobrang pinagmamalaki ko kayo.

No comments: