Saturday, April 08, 2006

hay buhay

i feel like i've appeared to be so strong my entire life that i forfeited the right to be weak.


wala na ata akong karapatang maging mahina. kapritso na lang sakin ang kalungkutan. isang emosyong hindi maaaring maramdaman.


kung tutuusin, kasalanan ko naman talaga. hindi ako natutong umiyak. pinalabas ko na parang balewala sakin ang lahat.


balewalang namatay ang lola ko.


balewalang muntik na naghiwalay ang mga magulang ko.


balewalang hindi pa ako tunay na inhinyero.


balewalang lahat ng problema ko.


tinawanan ko lang ata ang mga bagay na yun. hinalinhinan ng yosi. konting inom.


pero sana makita nila na takot akong mag-isa. kasi pag mag-isa na ako, hindi na ko matapang. at hindi na balewala ang lahat.

No comments: