Showing posts with label random thoughts. Show all posts
Showing posts with label random thoughts. Show all posts

Saturday, October 03, 2009

new fave song

if things go my way, this would be one of my wedding songs.

Fallin for you
Colbie Callait


Fallin’ For You – Colbie Caillat Music Code

I don’t know, but I think I maybe fallin’ for you
Dropping so quickly, maybe I should keep this to myself
Waiting ’til I know you better

REFRAIN:
I am trying, not to tell you, but I want to
I’m scared of what you’ll say
So I’m hiding what i’m feeling
But I’m tired of holding this inside my head

CHORUS:
I’ve been spending all my time, just thinking bout ya
I don’t know what to do, I think I'm fallin for you
I’ve been waiting all my life, and now i found ya
I don’t know what to do, I think I'm fallin for you
I’m fallin’ for you

As i’m standing here, and you hold my hand
Pull me towards you, and we start to dance
All around us, I see nobody
Here in silence, it’s just you and me

(REFRAIN & CHORUS)

Oh I just can’t take it, my heart is racing
Emotions keep spinning out

(CHORUS)

I can’t stop thinkin bout it, I want you all around me
And now i just can’t hide it, I think i’m fallin’ for you
(x2)

I’m fallin’ for you, Ooohhh, Oh no no
Oooooohhh, Oh i’m fallin’ for you

Monday, June 22, 2009

wishful thinking

hope i'll end up with someone who wouldn't mind that i kiss my dogs. :)

Friday, June 19, 2009

i have realized...

that i don't have THAT much to offer... but hell, i'm still worth it.

Monday, April 20, 2009

miss na kita... : a repost

miss na kita...

at kung pano natin pagtawanan ang mundo
at ang ating mga sarili

namimiss ko…

ang mga tanong mong hindi mahanapan ng sagot
ang mga takot mong walang dahilan
at ang mga pangarap mong tila walang katapusan

hinahanap ko…

ang bungisngis mo. ang kalokohan mo. ang katangahan mo.
ang mga kwento mo. mga reklamo. opinyon. ikaw.

pasensya na. hindi lang ako sanay na wala ka. pero masasanay din ako, wag ka mag-alala.

pansamantala, gusto ko lang malaman mo na… miss na kita.

Friday, September 26, 2008

post its


I am always left with a lot in my mind but nothing in paper... so forgive me mela, for stealing your love notes, it's just that you precisely put into words my exact sentiments/ frustrations. plus the fact that i'm not really eloquent with words.

Here are two of my favorites:

Dear Future Love,

I just realized that anyone who has put up with me on a regular basis has to be crazy, even just a little bit.
That’s not necessarily a bad thing.
Sanity never made anyone happier.

~**~ 
Dear Future Love,

If there’s anything I find hard to take, it’s disappointment over a broken promise. That’s why I’m cautious about getting my hopes up. The only person I have control over is myself, so the things that depend on other people are always 50-50.

I am an optimist with low expectations. It’s a defense mechanism and it works.

I am telling you how to break my heart, hoping you won’t.


Sunday, April 27, 2008

i shouldn't have

i've been searching thru the corners of my mind for blog ideas. and it's been weeks that my mind had been blank for creativity... even rants..

and for the lack of better posts, i decided to write in here a poem made to me by a friend. he'd kill me (i think!) if he knew i did this. but then again, i'm confident he wouldn't come cross on this blog. hehehe!

to a friend who's always there
cheering me up when i'm down and feeling
another day is all fucked up
whether it's work related or personal issues
an hour's chat with her is enough to change my hues

i hope this would make you remember me
when the time comes that you're feeling dizzy
when you have noone or when it's outright gloomy
hug this and you'll never be sorry

when the day comes that we'll part ways
always remember the times and the laugh out days
the videoke sessions we had on wee hours
and the time we spend waiting for log-out

i hope this christmas will bring you so much joy
more than the happiness offered by this stuffed toy
i hope we'll stay as friends forever
and never forget the time we spent with each other

i nagged him for a card when i asked him for the gift. and he made me this. i was surprised more than shocked.

and knowing how burara i can be, im posting this poem here. for it to be immortalized. hopefully our frienship can be as well.

hoping for a permanent friendship...

Wednesday, February 27, 2008

sinuka

ito si joy/rena nung kakapanganak lang nya. hindi naka-experience ng diaper yan, puro lampin. wala ring masyadong gatas, puro am.

nung kakaluwal pa lang sa kanya sa ospital, napagkamalan siyang anak ng ita.

ito siya bago mahulog sa kinalalagyan at mauntog ang bumbunan sa matigas na semento sa bahay ng lola nya sa malabon. dahil sa nangyari, nagkalasug-lasog ang utak nya at hanggang ngayon, apektado pa rin ang kanyang pag-iisip; kalat-kalat pa rin.





sinong burara?!






at sinong dugyot?!






isa lang ang sigurado, ang lahi nya ay aso. kulang na lang, pangil.







last and not the least, pa-cute! (payat pa kase sya nyan!)

Tuesday, February 12, 2008

once upon a dream

tatlong gabi na akong binabagabag ng iisang panaginip. panaginip na hindi pwedeng istimahin.

ayoko mang isipin, namimilit ang nahihimbing na diwa. kase mas meron syang napapala. parang nananadya. parang namimikon.

minsan, gusto ko nang sabihin sa sarili ko, "hay naku, bravo, itigil ang pagiging malisyoso!"

itutulog ko na nga lang ito....

Wednesday, February 06, 2008

what gets me thru the day...


besides chocolates and my psp,

are these people....

i've known them since forever.


we've been through flag ceremonies, class projects, field trips, school elections, proms, stalking-celebrities, cutting classes, UAAP rivalry, graduation problems, boyfriends, girlfriends, ex-boyfriends, ex-girlfriends, stressful work, unsuccesful out of town plans and we still can't get enough of each other.

i trust them with my life. they can finish my sentences and man, i hate it when they are sooo right about me. and yes, they know me inside out, and they're still there. talk about pagtiyatiyaga!

*****

just when i thought i'll just breeze through my existence in PS and noone would take notice...

it's actually my whole FD family, but i have to play favorites. i just have to say that, as much hardships and stress that i have to go through to reach where i am now, it is definitely worth it. not only are they some of the smartest, most patient people i know, they are also a lot of fun. and i mean a LOT of fun.

Tuesday, January 29, 2008

atbp.

nagawa noong July 21, 2006; mejo luma na ang komposisyong ito, mula sa isang napabayaang mundo. naisipan ko lang ilagay dito bilang panimulang pagkilala sa baliw na nagasasayang ng oras nyo. hehe!

minsan nananadya talaga ang utak ko. parang nakakaloko. kase nag-oovertime lang sya sa mga ideya at kwento kung kelan hindi ko kayang isapapel ang daloy nito. katulad na lang kanina, habang nakasakay ako sa bus, tila walang tigil ang pag-andar ng makina ng utak ko. pero wala naman akong panulat. o kahit meron man, wala namang may kakayahang magsulat habang umaalog-alog sa bus.

madalas din akong bisitahin ng imahinasyon kapag patulog na ko. yung tipong tinatamad ka nang tumayo para kumuha ng lapis at papel.

pero kapag nasa harap ka na ng monitor at kinikindatan ng cursor (nakuha ko mula kay bob ong), tsaka naman dinesisyunan ng isip na manahimik. at kahit iuntog mo sa pader ng paulit-ulit ang bungo mo, wala pa ring maisukang salita.

imbyerna.
*****

may alagang aso ang nanay ko dati, si ernie. mahal na mahal ng nanay ko yun. ipinangalan ng nanay ko sa unang niyang boyfriend. sabi ng nanay ko, masunurin daw si ernie. atsaka mabait at malambing. hindi matigas ang ulo.

si ernie ang nagligtas ng buhay ko.

nag fetal distress kase si mommy sa akin dati. tatlong beses na pumulupot ung umbilical cord nya sa leeg ko. labindalawang oras in labor ang nanay ko. sankatutak na mura ang napala ng tatay ko sigurado.

dapat ceasarian ako. pero bigla na lang lumuwag ang paghinga ng naghihingalong nanay ko. si ernie naman (according to my lolo) ay paikut-ikot at hindi mapakali sa bahay. nung oras na iniluwal ako ni mommy, yun din ang oras na namatay si ernie. sa hindi malamang dahilan. sabi nila, niligtas daw ako ni ernie. binigay ni ernie ang buhay nya sa akin.

kaya siguro mahilig ako sa aso. kase ang kaluluwa ko ay sa aso. kabaligtaran nga lang ni ernie. matigas kase ulo ko. at hindi ako masunurin.

ilang linggo lang ang nakakaraan, muntik na kong maaksidente kase may iniwasan akong aso sa daan.

naisip ko, dahil sa aso ako nabuhay. dahil sa aso rin ako mamamatay...
*****

sabi ng mga ka-opisina at kaibigan ko, ang trip ko daw sa mga lalake, kung hindi mukhang busabos, mukhang sanggano. ang sabi ko naman, at least wala akong kaagaw. trip ko rin naman ang mga nerd at artistically inclined. kase bobo ako pagdating sa arts.

kaya nanggigigil ako sa mga taong sobrang talentado pero ayaw ipagpatuloy ang mga pangarap.

nagpaparinig ako. sana tamaan ang pinapatamaan.

*****

base sa totoong kwento nung 1950’s:

nagpakasal si babae kay lalake dahil nahalikan ni lalake si babae sa kamay.

akalain mo, nahalikan lang sa kamay, nagpakasal na agad?!

sabi nga ng lola salome ko, tanga ang mga tao noon. sabay tawa ng malakas. nakitawa naman ako, nagpapanggap na matalino.

pero para sa akin, mas tanga ang mga tao ngayon. katulad ko.

*****

kung isa ako sa mga karakter sa Batibot, ako si Sitsiritsit. siya ung laging kasama ni Alibangbang. mga alien sila na laging nagtatanong. ganun ako eh. palatanong at madalas ligaw.

*****

“para kang ni-rape ng sampung preso.”

laging sinasabi yan ni tita (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.). para raw akong ni-rape ng sampung preso. kakaiba rin ang lohika nya noh? ni-rape. at hindi lang basta-basta ang nang-rape. preso. hayok sa laman. at hindi lang isa. SAMPU!

yan ang analogy niya sa kung paano ako maglakad. ang pangit ko daw kase maglakad. kung maglakad daw ako, “parang ni-rape ng sampung preso.”

*****

wala akong hilig sa alahas. o kahit na anong palamuti sa katawan. siguro kase ako ang pinaka-burarang taong kilala ko.

at ang pinakatamad.
*****

hanggang ngayon, pag tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nag-engineering, wala pa rin akong sagot. naki-uso lang siguro ako. o dahil parehong inhinyero ang mga magulang ko.

sa totoo lang, gusto kong maging voice talent.

*****

hindi lang pala ako ang ayaw sa katahimikan. marami pala kami. dahil sa katahimikan, mas maugong ang realisasyong nag-iisa ka. sa katahimikan, napakaingay ng kalungkutan.

ang maganda lang sa katahimikan, mas masipag ang emosyon. mas sensitibo ang puso. mas mabilis ang agos ng mga salita. mas tapat ang komposisyon.

marami ang nagsasabi na walang taong masaya ang nagsusulat. dahil masyado silang maligaya para bigyan ng pansin ang iba pang emosyon.

pero bakit ako? masaya naman ako ah! at ito ang pinakamahabang komposisyon na naisulat ko.