Showing posts with label kompo. Show all posts
Showing posts with label kompo. Show all posts

Sunday, April 27, 2008

lulong

para kang yosing matagal kong hindi nahitit. nakaka-adik. hinahanap-hanap.
para kang beer. tatlong boteng hindi napigilang laklakin. nakaka-lasing.
para kang sugal. na lagi akong talunan. pero binabalik-balikan.
pagbigyan mo na ko. ikaw lang ang bisyo ko.

Tuesday, April 08, 2008

himbing

antagal na...
akala ko madali lang maging masaya

ngunit mas madali ang magpanggap
mas madali maging bulag

antagal nang nagtatago
...sa sariling anino
...sa kasiyahan ng iba
...sa huwad na pag asa


mababaw lang ako
tanggap na ang pagkatalo

pinagbigyan lang ako
ayokong umabuso

nais kong managinip
at habulin ang mga bituin
walang katuturan ang paggising
sanay' manatiling nahihimbing

Friday, March 14, 2008

nang subukan kong tumula


pagod na ang pluma, ubos na ang tinta.
hapo na ang isip, wala pa ring tugma.


mahirap talagang tumula. lalo na sa ipinanganak na hindi makata. tulad ko. kulang ang bokabularyo at limitado ang imahinasyon. at mas malala, walang inspirasyon.

pero ang utak ay nangungulit. kelangan atang mai-utot ang nararamdaman. bigyang-baho, bigyang-buhay ang sentimyento. kelangang kulayan ang emosyon.

ngunit blangko ang papel, kamay ay tila manhid
naiipit ang letra, napipipi ang awit


sinubukan kong tumula. ilang oras, ilang araw ding naka-tunganga sa kawalan. naiinip habang naghihintay sa mga letrang bubuo, kahit papaano, sa isang pangungusap na may kahulugan. ginawa ko na lahat. kinain, nilulon at isinuka ko na ang mga salita. tumambling-tambling na para maalog ang utak.

ngunit wala pa ring katha.

gusto ko sumigaw; ung malakas, ung masigasig
bagaman bingi at bulag lamang ang nakakarinig


pinilit kong tumula. tulad ng pagpilit kong sakupin ang mundo. at paulit-ulit akong bigo. pagod at paos na ko pero nanatiling salita lamang ang mga salita. at patuloy pa rin ang pag-inog ng mundo.

mailap sa akin ang tugma. at ang sining ng pagtula.
walang silbi ang pagpipilit; ito ay aking sumpa.

ito ay aking sumpa.

suko na ko.

Tuesday, February 05, 2008

ikaw kase eh

ginawa ko para sa nag iisang tao na nagpakain sa'kin ng lahat ng sinabi ko

hanga ako sa’yo

nagawa mong guluhin ang wisyo ko. sa panahong akala ko’y kumpleto na ako. sa panahong hindi ko kailangan ng istorbo. sa panahong mas nais kong mag-isa.

ngunit iba ka

kung paano ko pinilit na itakwil ka sa isip ko ay sya namang lalong pagsumiksik mo sa puso ko. ang puso kong matagal nang naging bato.

na nakapagtataka

pagkat wala ka namang ginawa upang ako’y mamangha. walang maliwanag na dahilan. tanging puso ang pinapakinggan.

marahil nga ako’y tanga

hindi ko inasahang mamahalin kita. naligaw na ako sa aking mga emosyon. at nalasing na lalo ng aking mga ilusyon.

ayokong mahalin ka

pero bingi na ang pagkatao. hinayaang mahulog ng labis sa’yo.
nagawa mong guluhin ang wisyo ko.

hanga ako sa’yo

~August 29, 2006~

Wednesday, January 30, 2008

green


you took a deep breath; both hands still shaking
you're ready to leap; proud, determined, uncaring
opening your eyes, blinking away the tears
silently smiling as the wind carry your fears,

i was watching you from afar, a nervous spectator
jaded as i am, i knew you'd be broken
and as you spead your arms to welcome the rain
i turned my back and feel your pain

but you are content
to love... just to love
with everything you are, unselfishly
without limit, even without return

and though my pride won't admit it's true
deep in my heart....

i envy you

~~para kay mark~~